Akala Ko Malungkot ang Pasko Ko

Posted on Dec 29, 2011 at 11PM permalink

PIKSIYON TO! PIKSIYON! PIKSIYON!!!

Hindi na sana ako magdiriwang ng kapaskuhan. Itutulog ko na lamang sana ang okasyon’g ito. Mangyari kasi, nag-i-emohan ako. Ikaw ba naman ang malayo sa piling ng mahal mo sa buhay. May hindi pa pagkakaunawaan ang iyong angkan, paano pa matutuloy ang Pasko?

Ngunit sadya talagang magaling si Lord! Hindi niya hinayaan na mawalan ng saysay ang okasyong ito. Isang araw bago ang ika-beinte kwatro ng Disyembre, tila himala ang nangyari. Nawala ang tampuhan, samaan ng loob at hindi pagkakaintindihan ng bawat miyembro ng pamilya. Tila may isang espiritu ng pagmamahal ang dumapo sa puso ng bawat isa para hilumin ang sugat ng nakaraan.

Ang resulta, matutuloy ang Noche Buena ng aming Pamilya mamaya. Bagamat hindi kasama ang aking anak, sa tulong ng makabagong teknolohiya gaya ng Skype at Yahoo Messenger, makakasama pa rin namin siya online! At alam ko na kahit malayo kami sa isa’t-isa, ang aming mga puso ay malapit pa rin at laging magkasama.Hindi man engrande ang aming pagkain, at kahit last minute na ako nag-Christmas shopping, para sa akin, masaya pa rin ang Pasko’ng ito.

Sa lahat ng mga readers ng Damuhan, sa aking mga kamag-anak, mga kaibigan mula pagkabata, mga blogger friends sa Pilipinas at sa ibang bansa, ganun na din sa mga aksidenteng natagpuan ang blog na ito at sa mga masugid na tagahanga at mga tagatuligsa at mga kritiko:


MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT 

Posted on Dec 29, 2011 at 8PM permalink

.gciing nkoh sarap ng tulog ko kaso nanaginip pa ko ng tatlong beses :| cguron dhil busog ako sa gbi nkatulugan ko nga bf ko kya glit heheh.. late  na kc mtulog ub ehh di ko nmn kya ng gnun. tas sa sobrang busy ko un diary ko di ko na ntapos ayy nko tumblr na ata un diary ko lht ng  nanyayare saken andito na mula umaga :D ok lng yan ,di ko na nga alm un news ehh dito nako ng bfst ng lunch at dinner ksama laptop ko .. dadaln nlng nila ako ng food sa kwarto ko eto nga taba taba ko na :( pati bf ko harot skin babuyyy pero chubby lng nmn papasexy na ko ..gnagniton nya ko kc sexy siy ng ggym kc nkon pag pmayat tlga ako mkikita nya ..lagi ko cnsbing mgdiet nko pero di nmn ntutuloy ituloy ko na nga sa brkada ako mtaba cila pyt ehh hayyss..

kung gusto niyong tumaba gnito gwen niyu..

1.kumain ng madame

2.magtanga

3.wag kang mgkikilos/humiga kalng

4.wag kang tayo ng tayo

5.matulog ka ng matulog

effective yan !! :)))

Posted on Dec 29, 2011 at 7AM permalink

may mga taong adik na maglaro sa world’s of fun pati na sa tetris .un bf ko adik na Graveh!!!

2 notes 5 months ago

About me :)

Posted on Dec 29, 2011 at 1AM permalink

eeh ako 13 plng na ngaaral sa montessori school 2nd yir plng my bf na 15 years old legal kmi.. oops npka bata diba? pero loss ka skin pwede nadin nting sabihin na matured nako madami akong friends un iba di ko na kilala wla ako enemy ayoko nun:) mahilig ako sa gimik  mha friends ko mga collage na haha! :D good influence cla lht ng friends ko friends ndin ng mama ko bago ko cla nkilala. nlkilala na ni mama.. tas pnpkilala lng sakin astiig diba? mahilig kmi sa shopping aii nako khit san madadala kita pg kasama mo kmi pero khit gnito ko makadiyos ako my takot kay God at sa parents ko ..wala ako kpatid kya masarap buhay heheh.. nga pala nglingkod na din ako sa simbahan choir ako dati kaya khit gnito ako mkadiyos ako ..at mga friends ko matatalino di pnpbayaan un pgaaral ..cyempre kasama na ko dun .may best friend ako kaso pag tungkol sa love life di kmi mgkakasundo walng love life un kc nkikita niya lagi sakin na lagi ako umiiyak kaya trauma na ata siya:) pero puro crush lng siya di na uso un .

ayyy alexandreen cunanan nga pla name ko at nick name ko xandreen..kung my kaylangan ka sbihin mo lng sakin at lagi lng ako andito..:)))khit matanda kapa ..kya kita hehe sagot kita broww..ayy nko di ko kyang payuhan ang sarili ko di ko alm kung bkit pero sa iba gling ko mgpayo..nko mabait ako mainitin ulo at matatampuhin heheh ..pero msanay ka din skin msarap nmn kasama sobra.papa’s girl ako kya pra bako tomboy sa school lng ..di ako ngaayus d=sa school o pmoporma wala nmn cute o gwapo dun at pag nasa school di moko mkakausap sa pagaaral ko hehe ayoko ng iniistorbo di kita papancnin hhehe..

eto na gusto ko sa lalaki matapang malambing o sweet matulungin maggalang at go sa mga lakad kaya nga ngustuhan ko c eruel liwag sa makitaklng.tumblr.com hehe nko mabait tlga yun at alm ko na mhal n mhal ako nun hehe..:”>  yun lng nmn plss follow me:) 

Mga Uri ng Tao na Nananatiling Single

Posted on Dec 29, 2011 at 12AM permalink

asa edad trenta pataas ka na, gwapo o maganda ka naman. Hindi ka naman tibo or bakla. Pero hindi ka magkaroon ng seryosong long-term relationship. What’s the deal? Maaaring hindi mo pa maiwan ang “kalayaan” mo. O maaaring willing ka na iwan ito, pero something’s blocking you. Pwedeng nawalan ka na rin ng tiwala sa opposite sex dahil minsan ka nang naloko. May mga ibang priorities ka pa sa buhay o sadyang ayaw mo lang mag-asawa. Iba’t ibang rason, iba’t ibang solusyon. Iba’t ibang uri ng tao na nananatiling single hanggang ngayon. Heto ang ilan: (Ito ay sariling opinyon lamang ng may akda at walang pinatatamaan sinuman)

Ang Family Oriented - sa bansa’ng importante ang pamilya, normal na unahin ang kapakanan nila bago ang sarili. Kaya hangga’t hindi nakakatapos ang bunso, kahit edad 38 na, ang family oriented person pa rin ang sumusuporta. Pagtanaw din ng utang na loob dahil sa ginawang pagpapalaki ng mga magulang.  Ang sa akin lang, may sarili rin naman silang buhay di ba. At tiyak ko na maiinitindihan ng mga ito kung gusto mo nang lumagay sa tahimik.

Ang Workaholic  -  isang tao na ginawang prioridad ang trabaho. Focus sa career. Climbing up the ladder ‘ika nga. Ang pagkakaroon ng isang seryosong relasyon ay maaaring maging hindrance para sa kanya. Hindi maaaring unahin ang lovelife. Mayroon siyang personal deadline. Halimbawa’y kailangan niyang mapromote bago dumating sa edad na 35. Hindi maaaring isacrifice ang  career path para sa isang pag-ibig.

Ang Partier - madalas sa bars, enjoying him/herself til the sunlight. Mas may appeal ang mga newest parties at clubs kesa isipin ang posibilidad na lumagay sa tahimik. Madalas nasa Gilligans, Madisons, Pady’s Point (old school)  tuwing weekends o tuwing sweldo. Sabi pa ng isa ko’ng kakilala na nasa edad 31, “I go out to have fun and not to meet someone.

Ang Mahiyain - applicable sa mga kalalakihan. Torpe. Meeting women requires conversation - na isang malaking problema sa mga katulad nila. Ligaw-tingin. Pasulyap-sulyap mode. Kahit may gusto’ng babae, hindi magawang pumorma. Walang lakas ng loob na sabihin ang kanyang nararamdaman.

Ang Makapili - choosy. May nakaset na standards sa kanyang magiging boyfriend/girlfriend. Kailangan may pinag-aralan, gwapo/maganda, mabait, understanding, caring etc. Isa lang ang mawala sa listahan niya, burado ka na. You can’t have them all! Nobody’s perfect. Kaya kung masyado ka’ng choosy, good luck!

Ang Man/Woman Hater - tulad ng nabanggit ko sa intro, may hindi magandang karanasan ang tao’ng ito sa opposite sex. Maaaring lubos siyang nasaktan o sinaktan ng kanyang ex-bf/gf. At ang madilim na kahapon na yon ang siyang dahilan kung bakit ayaw na niyang umibig muli. Ang sa akin lang, mahirap pero kailangan’g mag-move on at isipin na hindi lahat ng babae/lalaki ay ganun.

Ang Single by Choice  - ayaw talagang mag-asawa. Walang kailangang dahilan. Period.


Hindi lahat ay pasok sa mga kategoryang nabanggit. Maaaring ang ilan ay  kumbinasyon o kaya nama’y wala talaga sa listahan. Ganunpaman, naniniwala ako na love happens when you least expect it. Parang walang konek no?  Gusto ko lang ung linyang yun. So paano, hanggang dito na lang at maraming salamat muli sa pag-babasa.

Mga Uri ng Bloggers

Posted on Dec 29, 2011 at 12AM permalink

Sa panahon ng internet, hindi mawawala ang sandamakmak na blogs. Iba’t-ibang uri at klase, iba’t-ibang istilo, iba’t-ibang wika at kategorya ng may akda. Ngunit marami-rami pa rin ang hindi nakakaalam kung ano nga ba talaga ang blog. Ang blog ay short for web blog. Isang website na minemaintain ng isang indibidwal gaya na lamang ng blog kon’g DAMUHAN, o grupo ng mga tao. Maaari itong naglalaman ng mga lathalain, tula, storya, o komentaryo sa mga bagay-bagay. Ang tawag naman sa pag-aupdate ng blog ay blogging. At ang mga tao’ng nagbablog gaya ko ay tinatawag na bloggers/blogero. At mayroon’g iba’t-ibang uri ng bloggers at narito ang ILAN sa amin:


  • Humor Bloggers - mga blogero na ang tema ng blog ay makapagbigay-aliw at makapagpatawa sa mga mambabasa. Maaaring impormal ang dating ng pagsusulat ng mga ito. Istilo nito ang paghahalo ng konting kalokohan sa mga seryosong usapan. Ang ganitong uri ng istilo ang nakakaakit ng mga mambabasan’g may maliit na interes. Nagiging interesado sila at mas naiintindihan nila ang bawat detalye kapag humor blogger ang nagsulat.


  • Personal Bloggers - mga bloggers na ginagawang online diary ang blogging. Iba’t-ibang uri ng emosyon ang mababasa sa mga artikulo o lathalain na kanilang ibinabahagi. Mararamdaman mo ang mensahe na nais nilang iparating. Ang mga personal bloggers ay ginagawang outlet ang blogging para ilabas ang kanilang nararamdaman malungkot man o masaya ang mga ito.

  • Photo Bloggers - mga photo enthusiasts. Sila ay nagfofocus sa pagkuha ng mga larawan gamit ang kanilang mga digicams, cellphone camera o kung mga hi-tech DSLR cameras nila at ipopost ang mga ito sa kanilang photoblog. Mayroon’g nagfofocus sa pagkuha ng mga scenic spots, mayroon rin namang mga tao ang ginagawang medium. Kahanga-hanga ang mga photobloggers ngunit sa kasamaang palad, nabibiktima sila ng mga tinatawag na PHOTOSNAPPERS, mga tao’ng basta na lamang kinukuha ang mga photographs na pinaghirapan ng mga photobloggers at ipopost sa kanilang website nang wala man lang credits sa tunay na may ari ng larawan.

  • Earning Bloggers - mga bloggers na kumikita sa pagba-blog. Puno ng paid advertisements ang kanilang blog at iba’t ibang tools para makapaggenerate ng income. Google Adsense, Bidvertiser, Adbrite at kung anu-ano pa. Ang mga successful bloggers na ito ay malaki pa ang kinikita kesa sa indibidwal na may regular na trabaho. Kalimitang laman ng mga blog nila ang mga tips at tricks kung paano kikita ng malaki sa blog, PTC (Paid to Click) sites atbp.

  • OFW Bloggers - or mga expat bloggers. Mga pinoy na binablog ang kanilang pakikipagsapalaran sa iba’t ibang bansa. At ang mga OFW bloggers ay nahahati rin sa iba’t ibang kategoryang nabanggit. Isang malaking respeto ang binibigay ko sa mga bloggers na to dahil kahit na nagpapakahirap silang magtrabaho ay di pa rin nila inaalis ang passion for blogging at ang layunin na makilala ang pinoy sa iban’g bansa.

  • Underground Bloggers - bloggers na kadalasa’y adult content gaya ng porn o illegal ang nilalaman ng blog gaya ng mga hacked softwares. Kadalasa’y hindi nila nirerehistro sa mga search engines ang kanilang blog lalo na kung ang platform (host) nila ay blogspot dahil idedelete ito ng nasabing platform. Kahit gaano man kahigpit ang pagkakatago nito, marami pa ring readers/viewers ang naaakit ng mga bloggers na ito. At kung mahusay ka pagsesearch gamit ang mga tamang keywords, hindi malabong mahanap mo sila.


Sa lumalaking mundo ng blogging, natitiyak ko’ng marami pang uri ng bloggers ang lalabas. May magpapakitang gilas na makilala ang kanilang blog sa kategoryang kanilang pinili, mayroon namang tahimik lang na magsusulat. Ganunpaman, hindi maikakaila na ang blogging ay naging parte na ng buhay ng bawat pinoy.

MGA AYAW NG LALAKI SA BABAE

Posted on Dec 29, 2011 at 12AM permalink

1. Talak-aton - mga babae’ng talak ng talak o putak ng putak. Walang pinipiling lugar; sinehan, mall, o minsan kahit sa simbahan. Tanggal tutuli mo dahil sa sobrang pagbubunganga nya. Turn-off talaga to.

2. Gold digger - mga “bilmoko nun bilmoko nyan” na babae. As in lahat-lahat pati napkin, ipapabili sa lalaki. Bangko ang tingin sa BF. Walang pakialam kung mabutas na ang bulsa ng lalaki masunod lamang ang gusto niya.

3. Ms. Right - ayaw makinig sa sasabihin ng kanyang kapareha. Laging siya ang tama. Walang tinatanggap na opinyon o paliwanag. Mahirap baguhin ang ugali’ng ito dahil sa pride.

4. Psycho - ginagawang kumplikado ang mga bagay-bagay na madali namang intindihin at ipaliwanag. Hindi nagpapatalo at napakarami ng insecurities sa buhay at sa isang relasyon.

5. Burara - Burara sa katawan: Nangangamoy ang kili-kili sa sobrang baho, hindi rin marunong magsipilyo matapos kumain o magmumog man lang para matanggal ang tinga sa ngipin. Burara sa Bahay: Hindi rin marunong maglinis kahit simpleng walis ng bahay. Para ka’ng nasa Boracay dahil sa mga buhangin na matatapakan mo pagtuntong sa kanyang tahanan. 

6. Silent Treatment Ladies - galit na, ayaw pa’ng sabihin, Nananahimik lang. Gusto laging huhulaan ang mga iniisipnya. Dapat nababasa mo ang bawat galaw ng kilay at pagikot ng mga mata nya. Dapat magaling ka’ng manghula. 


Maaaring may mga lalaki at babae na ang ugali’y kumbinasyon ng mga nabanggit. Paalala’ng muli na ito ay katuwaan lamang at walang pinatutungkulan na sinuman. Subalit ang sinuman’g tamaan, wala na ako’ng kasalanan. 

MGA AYAW NG BABAE SA LALAKI

Posted on Dec 29, 2011 at 12AM permalink

1. Torpe - ayaw na ayaw daw ng mga babae ang ganito. Walang lakas ng loob na sabihin ang kanyang nararamdaman. Yung tipon’g ligaw-tingin lang at masaya na kapag natatanawan ang babaen’g kanyang minamahal. 

2. Follower - hindi sa twitter. Follower: Sunud-sunuran na lamang sa lahat ng utos ng babae. Yun ba’ng kayang kaya syang paikutin. Parang di-remote control lang ang buhay ng lalaki. Walang sariling desisyon.

3. Boring - walang sense of humor at hindi magawang pangitiin o patawanin ang babae kapag sila’y magkasama. Daig pa ang bato.

4. Immature - lahat daw ay big deal sa kanya kahit na napakaliit na bagay. Nagagawa’ng palakihin ang mga simpleng di pagkakaintindihan. Parang bata na inagawan ng kendi.

5. Dependent - yung tipo’ng kapag wala ang GF, hindi na umiikot ang buhay nya. Parang walang ibang pwedeng gawin kapag wala ang babae. As in sa babae lang nakatutok ang buhay niya. Tipo’ng ayaw kumain dahil namimiss si GF, eh wala naman sa babae ang kutsara. 

6. Sobrang Seloso - normal lang naman ang magselos ngunit napapasama kapag sobra na. Kulang na lang pati alagang aso pagselosan. 

Gusto ng babae sa lalaki

Posted on Dec 29, 2011 at 12AM permalink

gusto nang mga babae sa lalaki ay yung palagi silang nagkakasama, yung gentleman palagi yung lalaki , inuuna niya ang babae kaysa sa sarili niya, at ang pinaka importante , dapat isa lang dapat ang mamahalin nang lalaki , diyan titibay ang inyong relasyon, diyan tatagal, mahalin mo ang babae , respetuhin mo ..